Mga Sanggunian ng Digital Safety

Mga Kagamitan para sa silid-aralan

Para sa mga Bata

Interland

Maglaro tungo sa pagiging Internet Awesome

Ang Interland ay isang adventure-packed online game na ginawagawang masaya at interactive ang pag-aaral ng digital safety at citizenship -- katulad ng mismong internet. Magtutulungan ang mga bata at kanilang kapwa Internauts labanan ang hackers, phishers, oversharers, at mga bully sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga kinakailangan nilang skills upang maging mga mabuting digital citizen.

Kasama ng curriculum sa ibaba, ang Interland ay ginawaran ng Seal of Alignment ng International Society for Technology in Education.

Maglaro na

Para sa mga Tagapagturo

Be Internet Awesome Curriculum

Inaalalayan ang mga bata maging responsableng digital citizens.

Ang Be Internet Awesome curriculum ay nagbibigay sa mga tagapagturo ng kanilang kinakailangan at mga pamamaraan upang maituro ang mga alituntunin ng digital safety. Ang mga materyales na ginawa ng Google kaakibat ang iKeepSafe ay magagamit ng mga tagapagturo para madala ang mga mahahalagang aral -- at saya ng Interland -- sa silid-aralan.

Kasama sa curriculum ang mga leksyon ng limang paksa na may mga gawain at worksheets na idinisenyo para bagayan ang Interland.

Lahat ng elemento ng Be Internet Awesome:

  • Sundan ang pamantayan ng ISTE
  • Hindi kinakailangan ng anumang personal na impormasyon o login
  • Maaring gamitin sa iba't-ibang devices
  • Libre para sa lahat