Frequently Asked Questions
Tungkol sa Be Internet AwesomeKaragdagang mga Sagot
FAQ
Para Kanino ang Be Internet Awesome?
Ang mga resources ay para sa lahat at ginawa para sa mga pamilya, tagapagturo, at mga bata. Maganda ang pagtanggap ng mga bata na may edad na 7-12 sa Interland ngunit tiyak na magugustuhan rin ito ng mga nakatatanda at pati na rin ang mga mas nakababata.
Kinakailangan ba mag-sign in para malaro ito o magamit ang mga materyales?
Lahat ng mga materyales ay libre at bukas sa lahat; hindi kinakailangan mag-sign in upang magamit ang kahit anong parte ng Be Internet Awesome.
Ano ang Interland?
Ang Interland ay isang libre na web-based game na ginawa upang tulungan ang mga bata matutunan ang 5 pundasyon sa loob ng 4 na iba't-ibang mini-games o 'lands'. Inaanyayahan ang mga bata na maglaro upang maging Internet Awesome sa hangarin kontrahin ang mga hackers, patumbahin ang mga phishers, maging mas mabuti sa mga bully, isahan ang mga oversharers at maging maingat, kampanteng explorers ng online world. Ginawa ang Interlandsa tulong ng mga eksperto sa digital safety space. Ito ay ginawaran ng International Society for Technology in Education's Seal of Alignment. Ang 4 na 'lands' at pangunahing layunin bawat isa ay: Reality River - Huwag Paloko sa Peke, Mindful Mountain - Mag-Ingat sa Ibabahagi, Kind Kingdom - Cool Maging Mabuti, at ang Tower of Treasure - Pangalagaan ang Personal na Impormasyon.
Saan available ang Be Internet Awesome?
Ang lahat ng Be Internet Awesome resources ay accessible kahit saan. Nakipag-tulungan din kami sa mga eksperto sa buong mundo para bumuo ng local resources sa sumusunod na mga bansa: Argentina, Belgium (Dutch - Interland game lamang), Belgium (English - Interland game lamang), Belgium (French - Interland game lamang), Brazil, Chile, Columbia, Italy (para sa mga teen), Mexico, Peru, Poland, Saudi Arabia, United Kingdom, United States, Philippines
Anu-anong mga deices ang maaaring gamitin para maglaro sa Interland?
Gagana ang Interland sa kahit anong device na may koneksyon sa Internet at may web browser. Ibig sabihin nito, anuman sa desktop, laptop computer, tablet o mobile phone ay maaaring gamitin ang Be Internet Awesome.
Nakaayon ba ang curriculum sa anumang pamantayan ng bansa o estado?
Ang Be Internet Awesome ay naaayon sa mga pamantayan ng ISTE (International Society for Technology in Education) at ng AASL (American Association of School Librarians).