Gabay sa ligtas at kumportableng paggamit ng internet para sa kabataan

.
Maglaro at maging Internet Awesome.Diskubrihin ang Interland

Para lubusang mapakinabangan ang Internet, kinakailangang gamitin ito nang tama ng kabataan. Tinuturo ng Be Internet Awesome sa mga bata ang mga pangunahing alituntunin ng digital citizenship at ligtas na paggamit ng internet upang matuklasan ang mundo online ng walang pangamba.

The Internet Code of Awesome

ANG MGA PANGUNAHING ALITUNTUNIN

Be Internet Smart

Mag-Ingat sa Ibinabahagi

Mabilis kumalat ang mga maganda (at masasamang) balita online, at kung hindi muna pag-iisapan, maaring mapasok ang mga bata sa alanganing sitwasyon na may pangmatagalang epekto. Ang solusyon? Alamin ang tamang pagbabahagi sa mga taong kilala at hindi kakilala.

Maging Responsable sa Pakikipagugnayan

  • Tratuhing harap-harapang pag-uusap ang pakikipag-ugnayan online at tandaan ito tuwing magbabahagi online. Kung hindi ito mainam na sabihin, hindi ito dapat i-post.
  • Lumikha ng patnubay tungkol sa naaayon na pakikipag-ugnayan (at hindi).
  • Panatiliing pribado ang mga personal na detalye ng pamilya at ng mga kaibigan.

Be Internet Alert

Huwag Magpaloko sa Peke

Mahalagang tulungan ang mga bata na mamulat sa katotohanan na ang tao at sitwasyon online ay kadalasang magkaiba. Ang pagkilala sa totoo at peke ay mahalagang leksyon sa pagiging ligtas online.

Alamin ang mga Palatandaan ng Posibleng Scam

  • Kung ang sinasabi ng mensahe tungkol sa pagkapanalo o pagtanggap ng bagay na libre ay hindi kapani-paniwala, kadalasan ito ay hindi totoo.
  • Ang kahit anong pampersonal na impormasyon ay hindi dapat ibinibigay upang makakuha ng kapalit na bagay.
  • Laging maging mapanuri bago may gawin online at sanaying makinig sa inyong kutob. Maging alerto sa banta ng phishing -- ang pagtatangkang nakawin ang iyong impormasyon gaya ng login o mga detalye ng inyong account sa pamamagitan ng pagkunwari na sila ay isa sa mga pinagkakatiwalaan mong contact sa e-mail, text o iba pang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan online.

Be Internet Strong

Pangalagaan ang Inyong mga Personal na Impormasyon

Ang pagiging pribado at ang seguridad ay mahalaga online at offline. Ang pangangalaga sa mahahalagang impormasyon ay makatutulong sa mga bata na makaiwas sa pagkasira ng kanilang device, reputasyon, at mga relasyon.

Gumawa ng Hindi Madaling Hulaan na Password

  • Gawin itong madali tandaan, ngunit iwasan gumamit ng personal na impormasyon gaya ng pangalan or araw ng kapanganakan.
  • Gumamit ng pinaghalong malaki at maliit na mga letra, mga simbolo, at mga numero.
  • R3pl@ce le++ers wit# sYmb0ls & n^mb3rs 1ike Thi$.

Pagpalit-palitin

  • Iwasang gumamit ng isang password para sa iba't-ibang mga sites.
  • Gumawa ng iilang password na may kaunting pagkakaiba sa isa't-isa para sa iba't-ibang mga accounts.

Be Internet Kind

Cool Maging Mabuti

Ang internet ay epektibo sa pagpapalaganap ng pagiging positibo o negatibo. Maaring gamitin ng mga bata ang konsepto ng "gawin mo sa kapwa mo ang gusto mo'ng gawin sa iyo" sa pagkilos nila online, na nagpapamalas ng positibong epekto sa iba at pagpigil sa bullying

Maging Mabuting Halimbawa

  • Gamitin ang internet sa pagpalaganap ng pagiging positibo.
  • Huwag ibahagi sa iba ang nakakasakit o pekeng mensahe upang sugpuin ang pagkalat nito.
  • Igalang ang pagkakaiba ng bawat isa sa atin.

Kumilos

  • I-block ang masasama o hindi kanais-nais na ugali online.
  • Sikaping magbigay suporta sa mga taong biktima ng pambu-bully.
  • Hikayatin ang mga bata na magsalita laban sa pambu-bully online at i-report ito.

Be Internet Brave

Kung may Pagdududa, Pag-Usapan

Isang leksyon sa na maaring gamitin sa kahit ano at lahat ng interaksyon sa digital na uri: Sa oras na may makita ang mga bata na kaduda-duda, dapat sila ay matutong maging kumportable makipag-usap sa pinagkakatiwalaan nilang nakatatanda. Maaring itaguyod ng mga nakatatanda ito sa pamamagitan ng paghikayat ng bukas na komunikasyon sa loob ng bahay at silid-aralan.

Maghikayat ng Magiting na Ugali sa Internet

  • Maging malinaw sa mga patakaran at inaasahan pagdating sa teknolohiya sa bahat o sa silid-aralan; kaakibat na rin nito ang sapat na pagdidisiplina sa maling paggamit nito.
  • Panatilihing tuloy ang usapan sa pamamgitan ng regular na pangangamusta sa kanila at paghikayat na magtanong.
  • Isama sa usapan ang ibang katiwa-tiwalang matatanda gaya ng mga guro, tagapagsanay, tagapayo, kaibigan, at kamag-anak.

Tools at Sanggunian

Maingat na Maglaro.
Maingat na Matuto.
Manatiling Maingat.

.
 
.

Be Internet Awesome Curriculum

Ang mga tagapagturo ng Online Safety (o Pag-iingat online) online sa loob ng silid-aralan ay maaring magdownload ng mga aralin na nakatanggap ng ISTE Seal of Alignment at mga gawaing pang-silid-aralan na nagbibigay buhay sa mga pangunahing leksyon.

Download
 
.

Panunumpa ng Be Internet Awesome

Ang mga magulang na nagtataguyod ng usaping Online Safety (o Pag-iingat online) sa bahay ay maaring manghikayat sa buong pamilya na makisalo, sa pamamagitan ng pag-aaral ng pangunahing leksyon at sama-samang pagtupad nito.

Download

Ang Aming Mga Partner

Eksperto sa Online Safety (o Pag-iingat online)

Nakipag-tulungan kami sa mga eksperto sa digital safety upang matiyak na ang bawat bahagi ng programa ay tutugon sa dapat malaman ng mga pamilya at tagapagturo.